Ang kalidad ng aming propesyonal na serbisyo sa pangongolekta ay batay sa maraming taon ng (pang-internasyonal din) karanasan at orihinal na kaalaman, kinakailangan din ang teknolohikal na pagsuporta at kakayahan ng aming sariling call center.
Propesyonal na pangongolekta gamit ang CRM system EVOLIO
- Ito ay sadyang ginawa para lang sa MCGA
- Pakikipag-usap online sa mga kliyente gamit ang system
- Pagpoproseso ng mga datos sa anumang format
- Pagbubukod at pagpoproseso ng mga may utang na nakabatay sa tiyak na pamantayan
- Awtomatikong maihatid ang impormasyon alinsunod sa kasunduan sa kliyente.
- Siguradong pagpapadala ng mensahe sa maraming taong may pagkakautang sa isang pagkakataon.
Komunikasyong Masa para sa mga taong may pagkakautang
Maramihang pagpapadala ng mga sulat
Tinitiyak sa pamamagitan ng CRM Evolio, na bumubuo at gumagamit ng mga bar at QR code upang mapadali ang komunikasyon, kasama ng maramihang sulat. Kung kinakailangan, nagsasangkot din kami ng isang panlabas na tagapagtustos sa proseso ng pagpapadala ng mga sulat.
Maramihang pagpapadala ng mga SMS
Nagbibigay-daan ang CRM Evolio ng walang limitasyong pagbuo at pagpapadala ng SMS kasama ang pagsusuri ng paghahatid (naihatid, hindi naihatid, walang numero, atbp.). Gumagamit kami ng mga kasosyo-kontraktwal mula sa mga telecommunicatrions service providers sa pagpapadala.
Maramihang pagpapadala ng mga e-mails
Sa pamamagitan ng CRM Evolio nakakapagpadala ng maramihang e-mails.
Maramihang pagpapadala ng mga mensahe sa viber
Sa paggamit ng viber, ang CRM Evolio ay nakakapagbigay ng maramihang pagpapadala ng mensahe sa bawat taong may utang.
IVRS
Gamit ang CRM Evolio, kaakibat ng mga external provider, nakakagawa ng mga awtomatikong tawag na may kapasidad na humigit-kumulang na 1,000 mga tawag bawat minuto.
Propesyonal na switchboard ASTERISK
Ang aming system ay batay sa isang computer switchboard, na kung saan, hindi katulad ng karaniwang mga palitan, nagbibigay-daan sa halos walang limitasyong pagprogram ng mga parameter ng telephony at pagpaparehistro ng data sa mga tawag na ginawa ng mga indibidwal na operator.
Ang sistema ay batay sa isang "plug-and-play" na batayan, kung kinakailangang magdagdag ng mga operator, magdadagdag lng ng computer at kokonekta sa corporate network. Ang switchboard kasabay ng Evolio system ay gumagamit ng “autodialer”.
Ang pagrerekord ng mga tawag at pagrerehistro ay nagbibigay intensyon para sa pagpapabuti, isang dahilan din kung bakit malaking bagay ang pagrerekord ay kung sakaling may reklamo ang mga taong may pagkakautang at pagkuha ng kopya ng mga kliyente dito. Hindi kami nagbubura ng mga datos, lahat ng tawag ay nakarekord ng walang restriksyon.
Propesyonal na in-house call center
Upang matiyak ang pinakamataas na kalidad ng pagganap ng aming call center, lahat ng aming mga operator ay “full-time” nagtatrabaho sa amin. Nangangailangan kami ng hindi bababa sa isang kumpletong edukasyon sa sekondarya at karaniwang higit sa 30% sa mga ito ay nakakumpleto ng isang degree sa unibersidad.
Sa umpisa pa lamang, ang mga bagong “operator” ay kailangang maging pamilyar sa mga regulasyong pangseguridad ng kompanya, regulasyon sa personal na proteksyon sa mga datos at “banking secrecy”. Kasunod nito, mayroon silang isang buwang pagsasanay at sila ay isinasama sa mga matatagal at naunang mga empleyado na gumagabay din sa kanila sa loob ng 2-3 buwan.
Dinagdagan namin ang kanilang pagiging propesyonal sa pamamagitan ng regular na pagsasanay pangloob man o panglabas, hindi lamang sa larangan ng komunikasyon at koleksyon, kundi pati na rin sa larangan ng nauugnay na batas.
Ang aming call center ay matatagpuan sa punong tanggapan ng kumpanya, na nagbibigay-daan sa amin upang patuloy na subaybayan at pamahalaan ang mga aktibidad ng aming mga operator.
Pinapatili naming ang mataas na bilang ng pagtawag ng aming mga operator upang maging maayos at kaagad na pamahalaan ang hindi bababa sa 5,000 na kaso ng may mga utang.